Pagkakaiba ng Pahayagan Noon at Ngayon
Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksiyon na baka lumiit o