Pagkakaiba ng Pahayagan Noon at Ngayon


Duqueza faye2023/06/22 03:18
Follow
Pagkakaiba ng Pahayagan Noon at Ngayon

Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksiyon na baka lumiit o mawala na ang halaga nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.


Simula nang maging "journal" (talaan ng pangyayari) ang pahayagan, ang propesyong may kinalaman sa paggawa ng diyaryo ay tinawag na peryodismo. Sa panahon ng "Dilaw na Peryodismo" noong ika-19 na siglo, madaming pahayagan sa Amerika ay bumase sa mga nakaliligalig na mga kuwento, sinadya ito upang galitin o pukawin ang madla imbes na magbigay impormasyon. ang mahigpit na pamamaraan ng pag-ulat na nakabase sa pagsisiyasat at kawastuhan ay muling sumikat bandang ikalawang pandaigdig.


Ang pamumuna sa peryodismo ay iba-iba at minsan ay marubdob. Ang krebilidad ay pinagdududahan dahil sa mga hindi kilalang pinagmulan, mga mali sa detalye, pagbaybay, at balarila, totoo o kaya natutuklasang hindi patas, at mga alingasngas na may kinalaman sa panunulad at paggawa ng kuwento.


Noon, ang pahayagan ay madalas na pagmamay-ari ng mga makapangyarihang tao, at ginamit ito upang magkaroon ng boses sa pulitika. Dati rati’y ang kanilang puhunan lamang ay ang tinta ng bolpen at isang kapirasong papel, nagpapahayag upang maging maaalam ang mga tao sa mga balita, at nagpapakahirap maihatid lamang ang mga ito sa kalibli-liblibang bahagi ng bansa.


Bilang nabuhay sa panahon ng pag-usbong ng modernisasyon, ang mga mamamahayag sa kasalukuyan ay madalas nang gumamit ng teknolohiya sa pagkalap at pagbabahagi ng impormasyon sa bayan. Singbilis ng mga naging pagbabago sa kanilang pamamaraan, hindi maikakailang ganoon na rin kabilis kung lumipad ang balita ngayon na siya na ring dahilan ng pag-usbong ng isa sa napakalaking suliranin na kinakaharap ng bansa ngayon na “fake news” kung tawagin. Sa isang tipak lamang ng daliri sa mga cellphones ay madali nang malalaman ng kahit sino sa kahit saang lugar ang kahit anong kaganapan sa sa loob at labas ng bansa.


Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon, sa mas madalasan pang paggamit ng teknolohiya bilang midyum, tiyak na mas maglilipana pa ang mga suliraning nito.Kalakip ng pagbabago ng panahon, ay ang pag-usbong ng makabagong henerasyon ng mga mamamahayag o mga “campus journalist” na mga mag-aaral lamang ay napauunlad na ang kanilang kakayahan at talento sa larangang ito. Tulad ng mga eksperto na sa larangan, sila’y nagsimula rin sa hirap ng pakikipagsapalaran sa hirap ng tinta at bolpen lamang ang kaagapay, walang makabagong teknolohiyang tutulong upang mapadali ang trabaho nila.


Ayon kay Education Supervisor for English at Division Coordinator for Journalism Josephine Gammad, sa tagal niya sa serbisyo, mula nang siya’y naging head of secretariat for journalism, kanyang nasubaybayan ang pagyabong ng pamamahayag, kung paano magkandahirap ang mga mag-aaral sa pagsulat gamit lamang ang papel, at sa paggawa ng pahayagan ay ang paggamit ng ruler at lapis. Taliwas sa noon, wala nang makikitang ganoon, at gadgets na ang kagamitan nila.


Dagdag pa ni Presidente ng Division of School Paper Advisers Association Eloisa Mabborang, sa kasalukuyan, mas naging malikhain ang mga mag-aaral sa pagpapahayag na makikita sa pagdami rin ng mga nagiging kalahok na paaralan kada taon. Bukod ditto, dahil sa paglipana ng iba’t ibang isyu, ay mas marami na ring usapin ngayon na siyang kanilang maaaring gawan ng artikulo. Ito’y indikasyon lamang na sa paglipas ng panahon ay patuloy ring napapayabong ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangang ito.


Ngunit, ang mga naging suliranin sa pamamahayag noon, ang siyang naging daan upang mapausbong ang modernisasyon sa larangang ito sa kasalukuyan.Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon, patuloy ring mamamayagpag pa ang bawat mamamahayag, bukod sa kanilang kagamitan, kanila ring napauunlad ang kanilang mga sarili sa larangan, patuloy na pinayayabong ang kanilang mga talento’t kakayahan, maihatid lamang sa mga mamamayan ang dapat nilang malaman na mga kaganapan.

Share - Pagkakaiba ng Pahayagan Noon at Ngayon

Follow Duqueza faye to stay updated on their latest posts!

Follow

0 comments

Be the first to comment!

This post is waiting for your feedback.
Share your thoughts and join the conversation.