Mama, inay, mommy, nanay
Salitang may dalawang pantig.
Hanap-hanap sa bawat saglit
Kalinga mo'y kaibig-ibig.
Isa, dalawa, tatlo
Tatlong buwan nong naramdaman mo ang tibok ng puso ko.
Apat, lima, anim
Anim na buwan nong unang sipa ko at ka'y likot sa sinapupunan mo.
Pito, walo, siyam
Syam na buwan at kaarawan ng kapanganakan ko.
Salamat sa Diyos na lumikha
At ako'y nairaos mo.
Dumaan ang mga araw
Puyat at pagod ang dinanas mo
At nasilayan mo ang paglaki ko
Salamat sa gabay at pangaral mo.
Salamat sa palo at sa galit
Dahil alam ko mahal mo ako.
Salamat kay Bathala
Ikaw ang pinili na maging nanay ko
Sa haplos at yakap mo ang pahingahan ko.
Mama, pangako babawi ako.